oha.diba.anong say mo?

nakakapanibagong wala akong entry tungkol sa pagdating ng bagong taon nanaman ng aking pagkabuhay. walang pagmumuni-muni sa nakaraang taong nakalipas, walang pasasalamat kay Direk, walang pagkayamot sa isa nanamang taong pagtanda. siguro kasi asa kalendaryo pa ako, pero malapit na akong mawala sa buwan ng Pebrero.

siguro kasi dapat ngayon ay alam ko na tong mga bagay na to, na sa bawat pagpatak ng Oktubre ay tatanda nanaman ako ng isa pang taon. e ano ngayon? dapat sa ngayon ay sanay na ako. dalawampu’t pitong beses na tong nangyayari sa buong buhay ko. dapat by now, habit na siya. yung wrinkles na dahan dahan nang gumagapang sa gilid ng aking mga mata ay patunay lamang ng dami ng aking pinagdaanan. ang mga kalyong unti-unting lumalaki at tumigigas ay dapat kasing tigas na ng tatag ng loob ko, at ang aking noo na kitang kita na ang patuloy niyang paglapad ay….
wala nako maisip don. malaki na talaga noo ko, wala nakong magagawa doon.

at ang pagpapasalamat kay Direk? dapat naman talagang araw-araw kong ginagawa yon. may mga araw na nakakalimutan kong ang bawat paghinga ay regalo mula sa kanya, pero patuloy tuloy lang dapat. tuloy tuloy lang dapat ang buhay.

gusto ko lang gumawa ng entry dahil nakakapanibagong hindi ako nagsusulat.

maybe because i stopped dreaming what i want to do with my life
and started living it.

Leave a comment