pa-gas tayo ma.

nakaugalian na naming mag-ina na tuwing uuwi ako ng sabado ng umaga ay magpapafull tank ako para sa 1 nanamang linggong pagmamaneho. sa higit kumulang na limang minutong biyahe mula sa aming bahay hanggang sa gas station, tumatalon ang aming usapan mula sa mga telenovela na kanyang pinapanood at sa sobrang hindi pa gasgas na usapang eskwelahan.

di naiiba ang umagang ito at ang aming naging topic ay ang aking subject mamaya na land titles and deeds. ok naman din, na rereview ko ang utak ko at dahan dahang pinagtatagpi-tagpi ang iba pang mga subject na nauugnay dito. nabanggit ko narin sa kanya na malapit na ang midterms ko.

sa kanyang pagbaba kay pepita, pahapyaw niyang sinabing, “alam mo, matuturuan naman kita sa busorga. madali lang yon anak eh.” ang utak ko ay nagpasingaw ng isang malalim na buntong hininga.

ganito kasi yan eh. sa dami ng pinag-aaralan mo sa abogasya, imposibleng lahat ng bagay ay alam mo sa isang utos mo sa brain neurons mo. pero dahil abogado ka na, kaya mo nang lusutan ang lahat ng bagay kasi dikit-dikit naman ang lahat ng batas. kung baga pagtinanong ka ng, “ano ba ang palabas sa Channel 2 pag dating ng 8PM?” pwede mong sagutin ng, “malamang telenovela yon, at siguradong ang pamagat ay hango sa isang OPM na kanta.”
di mo masasabing mali ka talaga, dahil tama naman na telenovela yon. di mo lang alam yung eksaktong sagot dun sa tanong. pero lusot kung lusot.

naiintindihan ko naman ang nanay ko. feeling ko hindi pako pinapanganak ay matagal niya nang pinapangarap na magkaanak na mag-aabogasya. siguro sa utak niya, nakikita niyang tinuturuan niya ang anak niya ng lahat ng nalalaman niya.

nung nagsimula naman ako e ganon naman ang nangyari. kasi wala talaga kong alam. lahat ng sabihin niya ay tama. lahat parang ang galing. pero nung mejo may nalalaman nako, shempre, nakakasagot sagot na ng konti, hindi na katulad ng dating sumasang-ayon ako sa lahat ng bagay. at sa tingin ko, tama lang din na ganon, dahil nag-aaral ako na maging abogado, hindi guidance counselor.

nung pagpasok ko, sabi ko sa kanya, “o sige. ganito. pag nasagot mo tong tanong ko, na hindi mo nirerelate sa tax ang sagot, papayag akong turuan moko.”

kung isusulat ko pa ang naging word-minton namin ay aabutin ako ng long weekend. e mahirap din naman ihiwalay ang tax sa sagot dahil partnership ang tinanong ko. so malamang related nga sha sa tax. pero hindi kasi pwedeng yun ang mga isagot ko.

kagaya nga ng sinabi ko kanina, hindi mali ang sagot, pero hindi rin tama. at dahil nag-aaral pako, hindi pwedeng palusot pa ang mga sagot ko dahil may hinahanap na sagot ang teacher ko. at malamang batukan ako ng teacher ko pag sinagot ko sila ng, “because the law so provides.” *nginig*

hayaan mo ma, konting tiis nalang at magtataxation nako. doon talaga, pangako, maniniwala ako sa lahat ng sasabihin mo. di nako makikinig sa guro ko. gagawin kong lunes ang schedule non para buong araw ng linggo ay pwedeng nating mabuo ang mga pangarap mo. pero sa ngayon,

ma, pa-gas tayo.

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

1 thought on “pa-gas tayo ma.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s