because she gave up.

paano mo masasabing ako ang umalis at bumigay

kung ang bawat hibla ng pagkatao ko, ang letra ng bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay

tanging ikaw.

kahit sa mga sandaling tuluyan nang naglaho ang amoy mo sa jacket na pilit kong binubulok sa sulok ng kwarto ko –

ito parin ang tinatakbuhan ko sa mga gabing malamig at hirap akong makatulog. ang ala-ala mo ay hindi na matanggal pa ng kahit ano pang sabong panlaba na ibinebenta.

sa sandaling maamoy ko na ang alimoong na dala ng pagtagpo ng mainit na lupa at malamig na tagaktak ng ulan

tanging ikaw.

kahit pa sa mga sandaling kaya ko na pakinggan ang mga kantang yaring naging soundtrack tuwing tayo ay nagkasama na tila mo’y naisaulo ko na ang bawat galaw, ang bawat tingin na ginawa mo habang tumutugtog ang kanta. dahil kaya ko nang makinig na hindi ako nababaliw na sa pagtingin ko sa tabi ko, alam kong hindi kita matatagpuan

tanging ikaw.

paano mo masasabi ng ganon ganon lang sa ibang tao na ako ang unang bumitaw sa ating dalawa kung ikaw mismo ang sumigaw ng kawalan na bumingi sa aking buong pagkatao, habang ikaw lang ang sinisigaw, hanggang mapaos, hanggang manlumo, hanggang tanging bulong nalamang ang kaya kong gawin sa kaka hanap ko sayo.

tanging ikaw.

hindi ako ang bumitaw sa ating dalawa. kung mamarapatin ng tadahana, ididikit ko nalamang ang sarili ko kahit sa kakarumpot na ala-alang iniwan mo, at buong buhay na akong mabubuhay dito, habang pinapanood kong patuloy ang pag-ikot ng mundo mo.

ikaw parin. tanging ikaw parin.

magiging totoo ako. humanap ako ng iba. at maswerte ako (at malas niya) na may umako sa basag at sabog kong pagkatao pagkatapos mong iwan. pero ikaw parin ang laman ng puso ko.

sa kailailaliman ng puso ko, nakatago sa mga sulat at halik na buong puso ko ring ibinigay sa iba, sa kailailaliman nito,

ikaw parin. hanggang ngayon, ikaw parin.

anim na letrang minsan ay napagmumuntikanan kong banggitin sa pagitan ng pangalan na tatatlo nalang. gusto kong ibuhos sa iba ang lahat ng nararamdaman ko, kahit wala na akong nakukuhang kapalit dahil puputok nako sa kakaisip kung san ko pa ilalagay ang lahat ng ito.

kaya wag mong sasabihing ako ang unang bumitaw. dahil tanging ikaw. laging ikaw parin.

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s