baket ka uuwi?

dahil hindi ko alam kung may saysay pa na manatili ako dito habang binubuo mo ang mga pangarap mo

na hindi ko alam kung may lugar talaga ako dito

o sadyang magaling lang akong magtanggal ng mga agiw na naipon na dulot ng limot at lungkot.

dahil hindi ko na ata kayang matulog sa iisang kwarto na hindi pinapangarap na ako nalang ang maging unan mo; at sa bawat paglayo ko ay maya maya’y nanjan ka nang malapit sa tabi ko.

patawarin moko dahil wala akong ibang naiisip kung hindi ang ako ay maging payapa sa mga bisig mo.

uuwi ako dahil doon, payapa akong mag-isa at masaya sa piling ng sarili ko.

patawarin moko dahil dito, ramdam ko ang pag-iisa dahil di ka naman tunay na akin.

pero hindi parin ako uuwi, dahil hindi ko pwedeng isagot ang mga nasabi ko sayo. wala akong maisip na ibang dahilan bakit kailangan kong umuwi.

dahil ang totoo niyan, dito ko lamang gustong manatili. dito ko na gustong umuwi.

you have become my home.

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s