sabi mo eh.

sabi mo
hayaan mo akong punan ang lahat ng pagkukulang ng iyong nakaraan
di na kailangan
di ko kailangan yan.

sabi mo
ano bang dapat kong gawin para araw-araw kitang pangitiin
tumingin ka sa salamin
may dapat ka pa bang gawin?

sa daldal kong ito
di ko inaakalang sa akin ay may tatalo
di inaakalang titikom ang bibig ko
sa dami ng sinasabi mo

sabi mo
wala akong pakialam kung tumaba at tumanda ka
ako pa ba ay makakatanggi?
sa salita mo palang ako’y busog na

sabi mo
mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko
sa aki’y sapat na
ang nandiyan ka buong buhay ko

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s