bisperas ng birthday blues

sa bisperas ng birthday ko nagbabadya ang simula ng bagong buwan.

ang bilis ng takbo ng buhay ngayon. minsan, di na ko makatigil para lamang huminga, nanginginig ang kalamnan sa dami ng dapat gawin, dapat tapusin, dapat tupdin. pero patuloy lamang ang pagusad, dahil hindi titigil ang mundo para sa iisang tao lamang.

katulad ng mga lumipas na taon, maaaari akong magbaliktanaw sa napakakulay kong taon, sa napakaraming aspeto, napakaraming angulo. ang pinakanakakatawa dito, sa mga panahong ako pa ay nasaentablado ay mas malimit na hindi ko alam kung anong ginagawa ko. sabi nga ng isang kanta, “the most interesting people I know didn’t know at 22 what they wanted to do with their lives, some of the most interesting 40 year
olds I know still don’t.” ang ibig bang sabihin nito ay napakamakulay ng buhay ko? parang mas masarap pakinggan ang makulay kaysa sa magulo.

tila di parin ako nagbabago. makulit, maingay, malikot at matigas parin ang ulo. parating nagiisip, parating walang iniisip. nasusuka tuwing natutuwa, natatae tuwing may dinadamdam, umiinom tuwing masaya at malungkot. antukin parin, pero laging kaladkarin. higit sa lahat, gusto ko lang maging masaya.

kanina, binati nako ni marsh. sabi niya sakin, mag-27 nako. nung naging magmarsh kami, 17 palang ako non. 10 taon na ang lumilipas. parang pagbibilangin mo sa taon ay napakatagal na nito, napakarami nang pagbabago ang dumaan sa buhay namin, pero eto, kahit sa simpleng text ay inaabot parin namin ang isa’t isa.

—-

panandaliang naudlot ang pagsusulat ko ng pagmumukmok ko na ito para tawagan si marsh. ngayon, ok nako.simple lang diba. kinailangan ko lang ng kausap dahil buong araw nakong tahimik.napanis siguro ang laway ko at pinapalaki ang mga guni-guning gumagambala sa utak ko.

direk, pasensha na minsan ay bugnutin ako at naiinip, at nahihilo sa pag-ikot ng mundo. ganon siguro talaga dahil ginawa mo akong tao. salamat sa mga pinagdaanan ko nitong nakalipas na taon. salamat sa aking kalusugan. kahit na tumataba nako ibig lang sabihin ay may pambili nako ng pagkain ngayon. salamat at isang beses lang ako nagkasakit ngayong taon na to. salamat at buo parin ang pamilya ko. salamat sa mga bagong lugar na nakita kong alam kong ikaw lamang ang maaaring makagawa. salamat sa mga bagong kaibigan at ang iba’t ibang aral na nakukuha ko sa kanila. salamat sa mga hindi ganoong kabagong kaibigan ko at anjan parin sila, salamat sa mga lumang tao sa buhay ko – sa mga panahong akala ko’y mag-isa lang ako, salamat at patuloy mo akong binabatukan para sabihing lumingon lamang sa iyong pinanggalingan. salamat sa kanilang walang sawang pagtanggap sa napakadaming pagkatao ko. salamat sa ulap na araw araw mong ginagawa para may panahon akong tumigil at mamangha sa kagalingan mo. salamat sa buwan na gabi-gabing nagpapasaya sakin, sa mga bituwing nagsisilibing bintana ng bahay mo. salamat kay pepita at sa mga makulay na pakikipagsapalaran naming napagdadaanan. salamat na hanggang ngayon kahit hindi pa tapos ang bahay namin ay may bahay parin kami. salamat at hanggang ngayon, nakakapag-aral ako, nakakapagbasa, nakakapagsulat. salamat sa aking mga kamay na patuloy pang nakahawak, sa mga paa ko para makarating sa aking patutunguhan, sa puso kong walang sawang isinisigaw saking siya parin ang batas at hindi ang utak ko. salamat sa isang taong nagigising ako, kahit na may mga araw na ayaw kong bumangon, salamat sa bagong pagkakataon para magbigay aliw sa iyo. salamat sa walang sawang pakikinig mo sa aking mga daing at hinanakit. salamat sa mga maliliit na bagay na nagpapasaya sakin.salamat sa musika, sa sining at sa pagkain at toma. salamat at hindi ka nagsasawang ipaunawa sakin ang walang humpay na pagmamahal mo sakin. salamat at tinawag mo kong sayo. salamat sa bagong kaarawan ko.

sa tingin ko, wala nako dapat hingiling pang iba. ok na direk. game na tayo ulit.

salamat nga pala at walang bagyo ngayon, ok na yung ulan.

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s