meron

heto at nakaupo nanaman ako sa aking paboritong lugar para magsulat kung saan maaari kong mailabas lahat ng aking sama ng loob – sa lahat ng maaaring aspetong posible.

aking nakasanayang may nakakabit nang musika sa bawat oras ng araw ko. magmula sa pagising ay aabutin ko na si stuart para magpatugtog, hanggang umabot sa banyo at bitbit ko parin siya. kay pepita ay walang humpay ang aking pagpalit ng mga kanta kay techie. at sa aking pagtulog, si stuart parin ang hawak hawak kong pag-asa sa paghele sa aking paghimbing.

ngayong araw, isang kanta nanaman ang aking paulit ulit na pinakikinggan. tapos na ang agosto. heto na’t nagwawarm-up na ang setyembre.

panandaliang hihinto ang mundo ko sa pagsusulat ng monolog na ito. mabilis ang pagpintig ng puso ko, nanginginig ang kalamnan.

“doon mag-ingat ka, matulog maaga.”

3 linggong delubyo at sari-saring damdamin ang pumukaw sa aking samut-saring personalidad. ang pinakamalakas sa lahat, purong pagmamahal. napakalakas talaga ng nagagawa ng pagmamahal. di iindahin ang pagod, inis, puyat at layo, basta’t makita lang masaya ang mga taong mahal mo. sino ba naman makakatanggi? sabi nga ng isang ninja kid, “you have to be strong when others are weak.” sinusubukan naman ni ninang.

2 taon nanaman ang hihintayin ko bago ko sila makita. napakaikling panahon. pagdating ng panahong iyon, sana ay abogada nako. si kokoy ay magpipitong taon na, at si bebe naman mag sasampu. hindi na sila magiging kasing cute at inosente katulad nila ngayon. ngayon pa nga lang ay lumalabas na ang pagkapilyo at makulit ng dalawa. saan pa ba sila magmamana kung hindi sa ninang nila.

maswerte narin ako at kahit papano nabigyan ako ng panahon para makasama sila. di man ito ang pinakaperpektong oras at di rin ito ang pinakamasayang dahilan kung bakit kami nagkasama sama pero tatanggapin ko parin dahil sabi ni direk, it’s time for that scene. di naman pwede parating dance number sa beach ang sequence ng isang pelikula. boring naman yon.

ang kwarto ko ay nakakita pa ng mas mabuting araw kumpara sa kalagayan niya ngayon. para shang dinaanan ng bagyo. whiteboard sa latak ng review, mga laruang nakakalat, pawis na mga sando at may bakas ng pabango ng mga bata. ngayong umaga, whiteboard nalang ang natira at ang 2 manikang iniwan nila para maalala ko sila parati.

di na kailangan ni ninang ng laruan para maalala kayo. parati kayong asa puso ko.

kaya’t kaninang umaga, sa kanilang pagising, pangungulit at pagdamba sa akin ay niyapos ko silang mahigpit. inamoy ang kanilang mga pawis, tinanggal ang mga muta at humingi ng 5 minutes cuddle time. maluwag naman nila akong niyakap, may kasamang gigil pa. at noong mga panahong yon, yun lang ang pinakaimportanteng bagay sa buhay ko. mahawakan ko sila’t pansamantalang maprotektahan sila sa mga bagay na haharapin nila sa mga susunod na araw.

salamat sa mga kaibigang nagmamahal sa mga kadugo ko ng walang alinlangan, nagbigay ng panandaliang oras para mabugbog at makulit ng 2 batang wala pang ibang gusto sa buhay kung hindi maging pop star princess at bumili ng power rangers. nakakataba ng puso na nakahanap ako ng mga kaibigang mahal din ang mahal mo. dahil dito ay abot langit ang pasasalamat ko sa inyong lahat.

sa aking dalawang pilyong kerubin, magkikita tayong muli. di man si ninang ang pinakamabuting ehemplo kung pano ang mabuhay, pero dahil sutil at pasaway ako, laging tatandaan na kahit ano pa man yan, basta kaya ni ninang, gagawin niya. di ko na sasabihing wag kayong mag-away dahil bata pa kayo, malalaman niyo narin yan balang araw. parati niyo aalagaan ang isa’t isa. dadalawa lang kayo, parang kami ni ninong bim. pero sapat na yan. basta. mahal na mahal kayo ni ninang. sagad hanggang buto, gaano man kayo kalayo.

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s