in which i talk about the rain

i was going through a blog of my friend when i felt  the urge to reply to her entry. she was talking about how an officemate said that the rain reminded him of sad memories and proceeded to ask what the rain reminded her of.

i began replying to her entry when i figured it was too long and decided to make an entry instead.

as a kid who grew up in Sampaloc, Metro Manila, i have spent my childhood playing on the rain – or more aptly – maglaro sa baha. a 10 minute downpour would have the flood rushing through our house and that signals me to wear my red shiny boots, with my pajamas carelessly tucked (shempre bob eh) in to it. then i would dutifully get my dustpan and get rid of the water inside our house.

parang mas maganda shang pakinggan in tagalog. kukunin ko ang daspan at sisimulang salukin ang tubig na naipon sa aming bahay. noong mga panahon na yon, mas matangkad pa ang daspan sa akin kaya’t mas madalas ay hindi ako nakakatulong. ang nasasalok ko ay natatapon ulit sa loob ng bahay. pero ok lang. bata pa ako non at bibong bibo. a for effort naman.

at tuwing bumabagyo, di  pwedeng ang pulang bota lamang ang suot ko at tamang sasalukin ang baha sa loob ng bahay namin. kailangan na naming ipatong ang mga kagamitan sa taas ng… hmm. di ko rin alam kung san namin nakukuha ang mga kahoy na yon, pero lahat ay may patungan. sofa, tv, dining table, ref… minsan umaabot hanggang baywang namin ang tubig kaya feeling ko non sosyal kami. our own swimming pool na bigay ni direk.

sa pagdating ng bagyo ay mawawalan na kami ng ilaw. so dahil baha na, di na talaga pwede mag bukas ng tv at kung ano pang ibang kasangkapang napapatakbo ng kuryente.  kung may araw pa, maglalaro kami ng bangkang papel ng kapatid ko at shemper prarati akong nanalo. at iiyak na sha non. mabilis kasing matunaw ang bangkang papel niya. di niya alam (at hindi niya parin alam hanggang ngayon) na pinapatakan ko ng kandila ang ilalim ng bangkang papel ko para mas matibay at di ito mabasa. hehehe. sorry bim. sana hindi mo mabasa ang entry na ito.

at kung tulog na si haring araw at oras na ni binibining buwan, magsisindi na kami ng kandila at lahat kami ay magtatabi sa aming piano.  nung simula ay nanay ko lang ang tumutugtog, 2 lang ang alam niyang piyesa. ang vera’s theme at  love story (theme from dr. zhivago). nung kalaunan ay ako nalang ang tumutugtog.  mag lalabas ako ng 1 libro at tutugtog buong gabi.  madalas ay malamig ang ulam, at mainit ang tubig. pero ok lang, kasi masaya kami.

noong grade 4 ako, naging sosyal na kami. lumipat na kami sa Quezon City at nakatira na sa isang Village. hindi bumabaha sa bagong bahay namin. nawalan ng silbi ang red boots ko hanggang sa isang araw ay nakita ko nalamang itong puno na ng amag.  masyado naring maliit ang mga ito para aking maisuot. sa totoo lang, ngayong sinusulat ko ito ay doon ko lang natatandaan kung gano kami kasaya sa Sampaloc.  skwaters lang kami non, pero masaya at simple lang ang buhay namin.

nung high school naman ako, pagkatapos ng soccer practice sa sanlo ay sinundo ako ng boylet ko. di pa ata kami non, pero natandaan kong biglang umulan. maypagka-emo kasi tong boylet na to at pinagmadali ako, dahil daw mababasa kami. mejo basang basa na ako sa pawis at putik non from soccer practice, kaya sa akin, wala na akong pakielam kung mabasa man kami. kinuha ko ang kamay niya at sinabing, “bakit pa, basa narin naman tayo. ok lang yan.” tinignan niya ako at ngumiti. natatandaan ko naka preppy look pa sha non (WAHAHAHAH PREPPY AMP) kaya ang pangit kasi basang basa na ang damit niya. natawa ako sa sarili ko. naisip ko kasi, “actually, ok lang sa aking mabasa. may pampalit ako. e ikaw?” pero di bale na. hinalikan niya ako. at hinalikan ko siya. di pa pinapalabas ang the notebook non, at nauna pa to sa regine-robin tandem  with the matching “tuwing umuulan at kapiling ka” soundtrack.  ako ang original keso.

noong nakalipas na taon, nagising ako sa tunog ng ulan. summer noon at matagal na walang ulan.  napagisipan ko lang mag laro sa ulan. ang kulit kasi nagpaalam pako sa nanay ko. game na game naman ang nanay ko at sinabing, “sige anak, pipicturan kita.” sa totoo lang, masama ang gising ko noon kasi pangit ang panaginip ko noong gabing yon.  pero hala, sige. laro lang sa ulan.  pinilit kong hugasan ni direk ang lahat ng masasamang libag na nakapaligid sa isip at katawan ko. naisip ko, salamat direk.  salamat at pinaulan mo. salamat sa paghugas sa aking magulong isipan.

kinagabihan, nagbreak kami ng jowa ko.

asa beach house kami at natatandaan kong gusto na naming pumunta sa beach. kaso, nagrereklamo ang iba naming kasama kasi mashado pa daw mainit. e kaya nga beach diba kasi dapat mainit. at dahil majority wins, di muna kami umalis papuntang beach. maya maya, narinig ni Direk ang aming hinaing. sabi niya, mainit pala ha. tingnan natin kung mainitan pa kayo. biglang umulan.

at walang sabi-sabing tumayo ako sa aking kinauupuan at tumakbo papalabas para maglaro sa ulan. sa sobrang pagmamadali ko at gigil na may mauna sa aking lumabas (competitive ako eh), ayun, nadulas ako at sumalampak sa aking pwitan. hindi pa yung cute na salampak ha. eto yung mga salampak na walang ka poise poise talaga. dumungaw ang iba naming kasama sa bahay. ano daw ang ginagawa namin. “hindi ba obvious? naglalaro sa ulan.” naglalaro kami sa ulan ng naka bikini at sarong lang. akmang akma sa panahon.

madalas naiisip ko tuwing umuulan, ay dinidiligan ako ni Direk.  nagpapadala sha ng mga bagay na gusto nating makuha sa buhay na kahit di man natin hingin sa kanya ay kusa niyang binibigay to dahil mahal niya tayo. kung mainit ang ulo ko, pinapadala niya ang ulan para lumamig at sumingaw naman ang utak kong walang tigil ang pagisip ng kung ano ano. minsan naman, dahil tao ako at kailangan ko ng kongkretong katunayan na pinauulanan niya ko ng grasya, pinapaulan niya with matching “kailangan mo pa kasi talaga makita no? nakuuu.. kung di ka lang malakas sa akin.” at sa tingin ko, mas madalas sa hindi umuulan lang dahil may namumuong low pressure area sa dakong silangan or minsan kanluran ng ating bansa.  maaring di para sa akin, pero meron may mas kailangan sa akin.

at sa tingin ko, ang pinakamalaking batok na gustong ibigay sa akin ni direk tuwing umuulan? katulad ng bawat bagyong dadaan sa buhay mo, titila at lilipas din ito.

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s