eto ang bumulaga sa akin

dahil kakatapos ko lang matanggap ang aking diploma para sa BATSILYER (i still love that word) ng sining minarapat kong palitan ang aking status na “some college” sa “college graduate”.

napagtanto ko din sa prosesong ito na totoo na at materyal na ang aking pag-aaral ng abogasya; at dahil simple lang naman ang matematikang bumabalot dito, aking naisip na bilangin ito.

halina’t sabayan ninyo ako:

2009 (ang taon na magsisimula akong mag aral)
+
4 (bilang ng taon na pinakamabilis kong matatapos ang kursong ito)
———————-
2013

simple lang diba? pero parang ang dami.

4 na taon nanaman. at mabilis pa yon ha.

mayroong mga hakahakang sa 2012 ay gugunaw na ang mundo. kung totoo ito, ano pa ang dahilan at magaaral ako ng abogasya? ano ang mga ipagtatanggol ko kung patay na ang lahat ng tao?

alam ko na dapat sa ngayon ay nalulunod pako sa kasiyahang nanggaling sa aking pagtatapos mula sa napakahabang buhay ko sa kolehiyo, ngunit ako ay napipilitang tumingin sa aking hinaharap. kaninang umaga lamang ay nautusan nako ng aking ina upang kunin ang aking transcrip magmula sa mga iba’t ibang kolehiyong aking pinaggalingan. kamusta naman ang basag trip diba?

hindi madali para sa akin gawin ito. pakiramdam ko ay para akong batang dinadala sa klinika upang turukan ng imunisasyon sa mga sakit. naiiyak, nagpapapilt, namimilipit. pero kailangan.

ang totoo niyan, di ko nakikita ang sarili kong mapabilang sa sandamakmak na taong nalulunod sa bilis ng takbo ng mga korporasyon – magulo, masikip at dapat matapang ka. sa tingin ko ay mapapatunayan ng pinakamatatalik kong kaibigan – di ako kasing tapang ng kasigaan ko. ang gusto ko lang? maging masaya. mahirap ba yon?

mukhang oo ang sagot. at naipangako ko na sa sarili ko. kung di ko maaabot ang pangarap na gusto ko, marahil ay dapat ang pangarap ng ina ko naman ang aking dapat unahin. may nagsabi sa akin, sundan ko kung saan ako masaya, pero papaano kung ang magpapasaya sakin ay sadyang malayo na?

ang dami kong tanong, di ko naman masagot. marahil wala rin naman makakasagot nito para sa akin ngayon. ang alam ko lang, bukas, maglalaro ako ng guitar hero.

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

1 thought on “eto ang bumulaga sa akin”

  1. Bob,

    I am extremely happy to find out that, finally, you are done with school…I still remember the good old Antioch prayer meetings, the financial difficulties,the crying, me talking to you thru my mobile phone while i was travelling from dagupan to manila, your impending trip to london…haay,, too many…

    I am ultra confident that you will succeed and excel as a lawyer 4 years from now… my hats off to you bob…it is not the number of times we fall BUT the number of times we stand up!!!!

    Congratulations!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s