in which i drove all the way to Tagaytay

nung nakaraang linggo ay nagmaneho ako papuntang Tagaytay kasama ang 3 kaladkarin ding katulad ko.

si Mimi, ang nagkataong sinamahan namin para malibang siya noong araw na yon;

si Mcq, ang parating sumasama sa mga taong kailangang malibang

at si Des, ang taong nanlibang nung araw na yon.

mahaba ang Linggo namin, sabi ko nga sa album na ginawa ko noong araw na iyon. pero dahil lahat kami ay kaladkarin at madaling mabuyo pag hinamon, ayon at umabot nga kami sa tagaytay.

di naman pala ganoong ka layo ang tagaytay. ang totoo nga niyan, mas matagal pako napapako sa trafic pag Biyernes at galing akong bahay papuntang Makati. Cubao ilalim palang, minsan 1 oras akong nakababad don. yung literal kumakanta nako habang nagmamaneho para lang di makatulog.

masaya at nakapagtanggal nanaman ako sa What to Do During the Wait list ko. 9 palang ang nagagawa ko. ano ba yan. kasi naman yung iba napaka mamahal. kamusta naman ang sunrise at Ibiza?

gusto ko lang talagang i record ang araw na yon. nga pala, nung linggo pa nangyari ito at martes na. ginawa ko nga rin pala yon para dapat mag”reset” ako ng tulog ko.

5:00AM na ng Tuesday at gising parin ako. anobayan. may pa reset reset pakong nalalaman.

pero in fairness ha, borlog talaga ko pag uwi ko. tinangka ko pang iupload kagad ang pictures, pero wala, para akong hinipan ng hangin.

sa ibang mga haka-haka:

may nanalo na nung lotto. 349 MILLYEN PESOSESEOSES. yusmaryoshep. napaka daming salapi non. tumaya din ako. shempre, sayang naman yon.  malay mo, manalo diba?

pero sa tingin ko, hindi ibibigay sakin ni Direk yon. FOR NOW. hindi ko pa kailangan eh. sana lang gamitin nung nanalo sa mabuti yung perang nakuha nila. maraming nananlo sa lotto na bumabalik sa pagkahirap dahil hindi nag-impok ng mabuti. inubos lahat sa luho at di na nag-isip para sa kinabukasan. sana din tumulong sila sa mahihirap na nakapaligid sa kanila. tingin ko rin, biglang dadami ang mga kamag-anak nila.

grabe walang pinagtunguhan ang entry na to. para lang masabi na may nasulat ako. miss ko narin kasing magsulat. asan na ba ang paraluman ko?

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s