smiling sapatos/tumatawang takong

kanina, dahil sa pinagsanib na kapangyarihan ng katamaran kong maglaba at ang pabago-bagong isip ng panahon ay napilitan akong mag-palda, at dahil narin dito ay naisipan kong magpakababae at magsuot ng sapatos na may takong. kadalasan kasi ay masaya na ako sa tsinelas, pero dahil masakit rin ang mga binti ko (leg workout ako nuong lunes eh) e as nadadalian akong magsuot ng takong kesa sa nakalapat sa sahig ang aking paa.

(dami pang paliwanag eh)

sinuot ko yung takong kong makulay. round-toe siya at polkadot ang disenyo. itago nalang natin siya sa pangalang dottie. nabili ko si dottie mga last year pa ata, sale noon eh. di gaanong kataas ang takong nito. 2 inches lang. tamang tama lang taas niya para girl parin ang dating ko (sa madaling salita para mas mukhang mahaba ang big legs ko) at kasabay nito ay mas madali sa akin ang maglakad ng mahahabang distansya (e kasi nga batang kaladkarin).

ang totoo nito ay papunta palang ako sa opisina e parang iba na ang pakiramdam ng takong ko. pero di ko pinansin kasi inisip ko nalang na baka naman sa tagal ko lang na hindi ito naisusuot ay nanibago lang ang paa ko, kaya keber diba?

nung kinagabihan nun lang napansin ng kasama ko na mejo ngumingiwi na ito. nung una akala ko mejo bumaba lang yung harapan ng suwelas, pero kamusta naman at parang sa bawat hakbang ko ay kinikiliti siya at dahan dahan ng tumawa. ang karaniwan, sa ganitong mga pagkakataon ay uuwi na ang may-ari ng kiliting sapatos, pero heh – not me. may pupuntahan pako kaya dere-derecho lang ang lakad ko.

kung tutuusin, warak na siya. as in kulang nalang ata ay hu-mello na ang mga daliri ng paa ko pero sige lang. kapit lang siya. may pinagmanahan ang sapatos ko. di na niya magampanan ng tama at maayos ang inuukol sa kanya, pero sige lang. ngiti parin. kahit na kita na nga buong mundo nag pagkabiyak ng pagkatao niya, sinagot niya lang ito ng isang ngiti. at kung di pa makuntento – hahalakhak pa sa huli.

mabuti pa ang sapatos, kahit sa kanyang pagkasira ay lalo lang siya tumatawa sa kahinaan niya.

kung sabagay, nagampanan naman niya ang silbi niya sa buhay ko. isa siya sa mga paborito kong sapatos. at dahil doon, ay nagpapasalamat ako.

pero hindi pa huli ang lahat. katulad ng maraming bagay sa buhay natin, ipapaayos ko si dottie at alam kong malayo-layo pa ang mga daang tatahakin namin. at dahil dito ay lalabas siyang mas malakas, mas matibay kesa sa nakaraan. kinailangan niyang masira upang siya ay magawang muli.

at kung dumating man ulit ang araw na mawarak ang mundo niya, ngingiti lang siya.

dottie the smiling shoe
dottie the smiling shoe

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s