di ko pa kayang magsulat. madami pa akong iniisip.

sa pagitan ng bawat salita
naroon ka.
ikaw lamang, Panginoon.
ngayon ako’y
nagpapakumbaba sapagkat
nabasag ako
at kung maaari lamang ay
basagin mo pa ako
hangga’t sa hindi ko na makita
ang mga piraso ng puso ko
para ako’y mabuo mong muli
mas bago
mas maganda
at karapat-dapat
sa iyong mga mata.
hayaan mong maging tama ako sa harap mo
at hawakan mo ang kamay ko
kargahin mo ako habang ako ay
nalulumpo
nabubulag sa sakit
alam kong nandiyan ka.
nandito ka
na lahat ng ito ay may dahilan.
tulungan mo ako sa mga susunod kong desisyon
hakbang
pag-iisip
at nawa’y magawa ko ang gusto mo
lahat para sa karangalan mo.
lahat ng ito ay para sa iyo
at sana’y bawat salitang lumabas sa isip ko
lahat ng diwang manganak sa mga desisyon ko
ay maging punong puno ng iyong walang hanggang pagmamahal
kahit na madalas ay di ko ito nagagawa.
pero alam mo, Panginoon, na mahal na mahal kita
kaya’t tulungan mo akong mapakita ito.
mapagbunyi ito
at mabuhay sa palad mo.
ipagdadasal ko
at susubukang pakinggan
(kahit paminsan-minsan ay nagbibingi bingihan)
at susubukan kong sumunod
at maging tapat.
patawarin mo sana ako kung madalas pa sa minsan
ako’y nadarapa
sa iyong harapan
pero iginuhit mo na
ang pangalan ko sa iyong palad
bago pa ako mabuhay at
alam kong mahal na mahal mo ako
at sana’y ganoon din ang pagmamahal ko sa sarili ko
para ako’y
mabuhay
huminga
lumapit
lamang sa iyo.

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s