29.05.08

ang masasabi ko lang sa ngayon ay
Direk, mejo nawala ako sa script mo. ano nanyare.

alam ko naman ang sagot sa mga tanong ko eh. kung baga, nakahain na sa harapan ko, mejo nahihirapan lang akong lunukin. ang laki eh. medyo makunat pa sha, kaya hindi ko pa manguya. eto’t nakababad lang sa bibig ko. parang tinutusok ako ulit ng tattoo ko. sa bagay, kaya ko naman talaga siya pinagawa dahil sa mga pangyayari katulad nito.

so yun na yon, diba?

daming cliche ang pwedeng isulat. aanhin ang damo kung patay na ang kabayo? aanhin ang mongol kung nginatngat mo na ang dulo ng eraser? aanhin mo ang thesis kung wala kang pangbayad ng defense fee? aanhin mo ang toothbrush kung bungal ka na? pano ka lalaban kung wala ka nang kaaway?

may sagot din ako jan. if God gives you lemons, make lemonade. or better yet, make some mean margaritas. pwede mo rin ipangtabing ang damo sa patay na kabayo, para hindi siya langawin. pwede mo naman ngatngatin pang tuluyan para lumabas yung asa dulo na eraser. utangin mo ang defense fee mo. o makipagpustahan ka sa teacher mo na kung maka 4 ka sa defense, sha ang magbabayad ng defense fee mo. at di lang naman ngipin ang binubrush, pati naman gums and tongue pwede din. at ang walang kamatayang lesson for the day: ang gusto, may paraan. ang ayaw, may dahilan.

sa dami ng dahilan, naiintindihan ko naman. seryoso. panigurado lang akong mejo sabog tong entry na to kasi mejo catatonic pako. pero kailangan ko lang magsulat. kailangan ko lang talagang maisulat.

ayoko munang mangarap. masakit ang mangarap. ayoko magplano. ayokong tumingin sa hinaharap. sa ngayon, eto ang panigurado akong nararamdaman ko. yun pa lang ang kaya kong desisyunan. lahat ng bagay ay manhid pa.

i guess i’m done. for now.🙂

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s