kailan ka huling naglaro sa ulan?

ako, kani-kanina lang.
maaga akong nagising, enrollment ko kasi ngayon, kaya gusto ko sana bago lunch ay matapos ko na ang pag-eenrol, habang iniisip ko kung pano ko babayaran ang tuition ko. kakatapos ko lang kumain ng agahan ng marinig ko ang dagundong ng kulog, at sabay bumuhos ang matinding ulan.
inisip ko,

pakshet.
uulan.
baha.
mababasa ang toes ko.
bawal magchinelas sa school.
alangan naman mag takong ako habang umuulan.
traffic.
kailangan ko magdala ng payong.
but payongs are so uncool.
asan na nga ba ang payong ko?
etc…etc…

naalala ko na ipinangako ko nga pala sa sarili ko na maglalaro ako sa ulan kung aabutin. eto na pala ang pinakatamang pagkakataon. nagpaalam ako sa ina ko.

ma, pwede bako maglaro sa ulan?

tinitigan niya ako at sinalat ang noo. akala ko nung una, titignan niya kung tuluyan na ba akong nasiraan ng ulo. sabay sabi ng,

sige maglaro ka, kukunan kita ng picture.

akalain mo yon. san ka pa makakakita ng inang nangungunsinti ng sapak ng anak niya? at may i picture naman talaga sha. at puro candid pa. ayos inay.

masaya nga palang maglaro sa ulan. high school pa ata ako nung huli talaga akong naglaro sa ulan. soccer varsity pa ako non. nung college ako, puro yosi lang ang ginawa ko sa ulan. masarap magwala at hindi intindihin ang trapik na nagaabang sa akin – kahit sandali lang.

shempre, habang umuulan, kumanta ako ng aegis para feel na feel ko talaga. nagalit ang lola ko, kasi daw baka marinig ako ng kapitbahay namin, isipin na nababaliw nako.

e ano ngayon kung nababaliw nako. mas masaya naman ang ginagawa ko.

at para magpasalamat kay Direk, kanta din ako ng Praise You in this Storm. oha. drama ng lola.
derederecho lang ang buhos ng ulan. siguro, mga naka 30 minutos din akong nagtatatampisaw at nagwawala sa ulan. kahit sa sandaling panahon ay naalala ko ulit kung paano ulit maging isang bata. at hindi lang isip bata.

nagputik ako sa loob ng bahay namin, nabasa ko ang sofa at nagtimpla ng kape. ang sarap talagang uminom ng kape habang umuulan. o baka sobrang nabrainwash nako ng nescafe commercials, ewan ko.

ngayon ay nasa banyo ako, at kailangan ko na talagang maligo ng totoo. at ang ulan? wala na. mataas na ang sikat ng araw.

iba talaga ang powers mo Direk, you certainly know how to make my day, and start my day right. i’ve washed it all away, and for that, thank you so much.🙂

magsasabon na muna ako.🙂

i’m out.

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s