di ko alam

wala pang ilang oras ang pagkakabalik ko sa totoong mundo, eto na ang sumampal sa akin.

hindi ko alam kung anong gusto mo. ang alam ko lang, pag namimiss mo ang isang tao, hindi ka magagalit, magtatampo o magdradrama. at hindi ka magbibitiw ng mga salitang alam mo balang araw ay pagsisisihan mo – i learned that the hard way.

not unless, talagang sinadya mo sabihin ang mga bagay na yon.

alam mo ang mga salitang dapat gamitin, ang mga bagay na dapat gawin para masaktan ako. siguro, dala narin to sa pagiging prangka ko sayo. at ewan ko naman kung bakit kailangang manadya ka pa talaga.

hindi ko alam kung sinusubok mo lang talaga ang pasensiya ko. hindi ko na alam kung ano ba ko sayo – ako ba ay isang laro na kailangan ay maipanalo mo? ako ba ay isang palaisipan na pagnalaman mo na ang sagot ay pwede mo nang palitan? gusto mo ba talaga ako mabaliw ng tuluyan?

mahirap sabihin ang “dati hindi ka naman ganyan”. dahil tinanggap kita ng buong buo kasama lahat ng kahinaan mo. alam ko ang pinasok ko at paninindigan ko din ito. minsan ko narin sinabing “i want the real thing or nothing at all.” kaya pakisagot lang, please. hindi ako nilagay ni Direk sa mundong ito para paglaruan lamang. gusto mong marinig ang totoo? oo, mahal kita. nabibingi ka ba? nasasakal? nabibingi? pwes, mamili ka.

Direk, heto nanaman ako, muling dumadaing sayo. di naman ako galit ngayon. sa makatuwid ay nakatayo lang ako dito sa gilid, inaabangan ang mga susunod na pangyayari, dahil lahat to ay naitakda mo na. eto lang ako, susubukang gawin ang utos mo. so bring it on, Direk.

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s