para sa aking tumayong ina

noong nakraang linggo ay araw ng mga ina, at alam ko na nararapat ko siyang muling parangalan para sa katangi-tangi niyang pagpapalaki sa akin, ngunit nakapag-usap narin kami, at para maiba naman, hindi ko sinulat sa blog ito, bagkus ay sinabi ko sa kanya to.
sa tingin ko ay hindi ko to masasabi ng harapan, kaya siguro minabuti narin ni direk na nasa Estados Unidos siya at salamat sa teknolohiya at nakapag-usap kami. nakakatawa siya dahil Sabado palang ay tumawag na siya. sabi niya sa akin, “anak, wala ka bang sasabihin sa akin?”

sabi ko, “inay, bukas pa ang mother’s day. tumawag ka bukas para mabati kita.”

di naman ako ganoong kasama, tinawagan ko naman siya at nakapagusap kami, at pagkatapos ng napakaraming taon, ay nasabi ko sa kanyang salamat.

sa daldal kong ito, kahit ako ay nagugulat na nahihirapan akong sabihin ang gusto kong sabihin harap-harapan. siguro, isa talaga to sa mga kahinaan ko, kaya’t nagtatago ako sa mga sinusulat ko . mas madali yon eh, madaling maiedit. kahit papano ay naiisip ko ang gusto kong sabihin. walang dead air. hindi tutunganga ang papel sa akin at sasabihin, “well, what is it that you wanted to tell me?”

anyway, ok naman kami ni inay. ganon siguro talaga. mas malapit kami sa isa’t isa pag malayo kami. pag nandito kami sa bahay, madalas ay nagsasalpukan ang enerhiya namin. (parang dragon ball z lang yan eh. pero mas madalas, nakasuper saiyan mode ang nanay ko.) pero pag malayo kami, para kaming magbest friends. magdaldalan ba overseas? hindi ata praktikal yon.

segway lang to sa gusto ko talagang pagusapan sa entry kong to. ngayon ay nais kong bigyan ng kahulugan at parangal ang tumayong ina sa ina ko. ang 2 kong lola.

maagang namatay ang ina ng ina ko. world war 2 non, at ayon sa kwento ng ina ko ay tinamaan daw ng bala ang tadyang ng lola ko, at dahil nasa probinsiya sila non at nagtago sa gubat, hindi siguro napagamot ang lola ko at namatay sa komplikasyon. dalawang taong gulang palamang ang ina ko non. at dahil dito, maaga siyang nangulila sa pagmamahal ng isang ina.

but wait, there’s more. ang lolo ante ko (ang tatay ng nanay ko) ay may 2 nakababatang kapatid. si Tiya Imang at si Ate. technically, dapat Lola Maxima at Lola Juaning ang tawag namin sa kanila, pero dahil nasanay kami sa naririnig namin, Mimang/Tia Imang at Ate (kasi ate siya ni Mimang) ang tawag namin sa kanila. inako nila ang responsibilidad ng pagpapalaki sa 5 magkakapatid.

noong araw daw, si Ate ay umaabot pa ng Olongapo para magbenta ng mga kakanin, o kung ano-anong bagay para matulungan ang lolo ko, habang ang Mimang naman ang naiwan sa bahay at tumayong taga-alaga ng mga bata. di nagtagal, nagpakasal muli ang lolo ko at nagkaroon pa ng 2 pang anak kay Tia Masang. di nagtagal ay magaaral na ng kolehiyo ang aking ina kaya’t pumunta silang lahat sa maynila.

para mapaikli ang napakahaba nilang istorya (mejo 80+ na kasi sila eh) lahat ng anak ng kanilang mga kapatid, ang mga anak ng mga anak nito ay lumaki sa kanilang dalawa. marami-rami narin silang naalagaan, at hindi kami nakakawala sa tradisyong ito. at oo, tama ang hinala ninyo, tumanda na silang dalaga.

sa totoo lang, SOBRANG mas madalas sa hindi ay napakahirap tumira kasama nila. tag team kasi yan eh. sala sa init, sala sa lamig. pag hindi ko nagawa ang gawaing bahay, tamad ako, ang babae ay dapat marunong ng gawaing bahay. pero oras naman na pakielaman ko ang kusina o ang labahan, teritoryo daw nila yon, kesyo wala na daw silang silbi kung pati yon ay kukunin ko pa sa kanila. dati ay mahilig ako sa baggy jeans. hinihilahod ko daw ang sahig at mukha akong gusgusin. ngayon namang hapit ang pantalon ko, bakit naman daw hapit na hapit ito at parang binebenta ko na ang p*ke ko. (excuse my french, please) pag sinesermonan ka, magagalit pag hindi sumagot, pag sumagot naman ay bakit pabalang nako sumagot. nakakarindi. nakakairita. wala pa yan sa kalahati ng mga kwento ko. at sa sumubok nang tumawag sa bahay namin, alam nila ang ibig kong sabihin.

minsan ay naglayas ako dahil sa kanila. di ko na matandaan kung naisulat ko yon pero nasa call center pa ako noon. kakauwi ko lang, siguro mga 12 ng hapon yon. kakapalit lang ata ng shift ko, kaya sinusubukan ko palang baguhin ang pagtulog ko. nung medyo nakakaidlip nako, kumatok sila sa pinto. tinanong kung anong oras ako gigising. sinagot ko. maya maya ay pumasok sila ulit at tinanong kung kumain nako. sinagot ko ulit. di nagtagal ay tinanong ako ulit kung kakain bako bago ako umalis. sinagot ko ulit. at oo, pagdating ng mga 530 ng hapon, pumasok sila ulit at tinanong kung namalengke na ba ako at anong uulamin ko dahil isda nalang daw ang ulam. sabi ko kahit ano, ako na ang bahala. at ang pinaka masaya sa lahat, wala pang isang oras ay pumasok sila ulit at tinanong anong oras ako gigising.

sa madaling at masakit na salita, hindi maganda ang tulog ko. hindi talaga ako nakatulog. at oo nagdabog ako at nagwala. nagaway kaming 3. at dahil dito naglayas ako.

marami pa kaming kwentong giyera ng 2 kong lola, pero para nga maiba naman, heto at sasabihin ko ang mga salitang minsan ko lang siguro maibabanggit sa kanila.

salamat.

alam kong napakalaki ng sakripisyong ginawa ninyo para sa akin, para sa aming lahat na inalagaan ninyo. alam kong nahihirapan kayo sa napakabilis na pagbabago ng panahon, at alam ko rin na hindi ko na maiiba ang katuwiran at nakasanayan ninyo, kaya’t pagpasensiyahan ninyo na kung paminsan minsan ay maikli ang pasensiya ko. madali akong makalimot. alam kong sa paghahanda ng aming gamit at pag tanong paulit-ulit kung kumain na kami ay ang inyong paraan para ipakita na inaalala ninyo kami. sa bawat sermon kung bakit ngayon lang kami umuwi ay dahil nag-aalala kayo sa mundong napakaiba na sa nakalakihan ninyo, sa bawat pagpasok sa kwarto ko at pagtanong paulit ulit kung ano ang kurso ko at kelan ako talaga gragraduate ay gusto ninyo lamang akong makausap, at ang paulit ulit na pangangaral araw araw ay dahil lamang sa ayaw ninyo kami mapariwara sa buhay. iba ang mundong ginagalawan natin. iba na ang panahon na tinatahak namin, ngunit alam kong lahat ng sinasabi niyo ay dahil sa mahal ninyo kami.

kaya sana’y mapatawad ninyo ako sa pagsagot sa inyo ng pabalang, o di kaya at mas madalas sa pagsagot lamang para matapos na ang usapan. alam kong nalulungkot kayo at gusto niyo lamang ng kausap. hayaan ninyo namang alagaan na namin kayo. malalaki na kami at okay lang na kami naman ang mag-alaga sa inyo. huwag ninyong isipin na wala na kayong silbi kung wala na kayong ginagawa sa bahay. buong buhay ninyo ay naialay ninyo na sa amin. marahil ang katigasan ng aming ulo ay sa inyo din namin nakuha. ang ayaw magpakitang mahina kami at kaya namin ang lahat.

salamat sa arating pag-aalala kung nakakain na ako. salamat din at kahit tumataba na ako ay tingin ninyo parin ay payat pa ako (marahil napakalabo na talaga ng mata ninyo) di ko man aminin ng harapan, pero lahat ng alam ko sa gawaing bahay ay nagmula sa inyo. at salamat at tinuruan ninyo ako. salamat at dahil sa inyo, humahaba ang aking pasensiya. ang tanging kahilingan ko lang ay isang araw ay makapagkwentuhan tayong hindi umiinit ang ulo sa isa’t isa.

at di man dumating ang araw na iyon, sana’y sa paguwi ko ng piknik sa inyo, mimang, o di kaya sa pagmamasahe ng paa ninyo, ate, ay maramdaman ninyong mahal ko kayo.

ang pagiging ina ay hindi nangangahulugang kailangang may lumabas na anak sa inyo. ipinakita ninyo sa akin kung pano ang mahal at magsilbi ng sukdulan.

kaya para sa inyo rin ang araw na ito. Mahal na mahal ko kayo.

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s