fancy bread

ok na sana ang araw ko. mahaba siya, mainit, tapos umulan, pero ok lang. madaming kailangan tapusin, madaming kailangang gawin. pero ok lang yon diba. 

pagod akong umuwi at sumakay ng bus papauwi – alam mo yon, para makapagtipid. magtataas naman ang gasolina. nagtaas na nga ata nung linggo, hindi ko lang nabantayan. hindi mo maiiwasang traffic sa ortigas, kaya sanay nako. sa katunayan, nakatulog pa ako eh. pero dahil sanay na ako, at ok lang siya, ayun at nagising ako pagdating ko ng commonwealth. bumaba sa may ever gotesco ng nangyari ang hindi ko inaasahan. 
sa pag-apak ko sa huling hakbangan ng bus na iyon, may mamang bumangga sa akin. akala ko nagmamadali lang siyang lumabas ng bus dahil natatae siya at hindi niya sinasadyang mabatukan ako so okay lang.  pero ang hindi ko inaasahan ay ang kanyang muling paglingon at pag ngisi sa akin. alam kong hindi ngiti yon. ngumisi talaga siya at mabilis tumakbo papalayo sa akin.
nuon ko lang namalayan na nahablot na ang kwintas ko. wala na si Bob. hindi na siya nawawala sa kwarto ko. talagang nahablot na siya sa akin.
tumitig ako sa direksyong kanyang tinakbuhan. pakiramdam ko ay halos 5 minuto din akong nakatayo don, pero sabi nga sa Discovery channel, pag may nangyayari sa ating hindi inaasahan, naloloko tayo ng utak natin na mas mabagal ang takbo ng oras. may parte sa akin na gusto kong habulin yung mama at kunin yung kwintas ko, pero wala pang ilang araw ang nakakaraan ng pinagusapan namin ni tsip-bossing-ser na kung materyal na bagay lang ay ibigay ko na. at kelan lang din ay sinabi kong walang kapangyarihan sa akin ang mga materyal na bagay, na lahat sila ay panandalian lang at madaling mapapalitan. so ang galing talaga ni direk.
as usual, alam kong nanunuod si direk, at malamang kulang ang ambiance ng mga pangyayari, biglang bumuhos ang ulan. ayos talaga. wala ring taxi na nag-aabang, so napilitan akong tumambay sa may shell. malamang hindi ko kayang maglakad pauwi. ayon, ulan, mejo mahapdi ang leeg, at pagod. pero okay lang.
maya maya ay dumating narin ang taxi at nakauwi nako dito sa bahay. and kailaganang right on cue, tumigil ang ulan. o diba. ang galing. pero ok lang yon. at least tumigil na ang ulan. 
panandalian kong tinignan ang leeg ko, bumuntunghininga. naligo. ganon talaga siguro. ilang beses ko narin akalang nawala ang kwintas na yon, ngayon at least, hindi na ako maaaning kung saan ko nailagay yung kwintas ko.  at nagiisa lang yon na ganon kasi pinagawa ko pa yong kwintas na yon. at kahit na halos 4 na taon na sakin yon, natutuwa parin akong hawakan ito pag tinatanong ng mga tao  kung ano ang pangalan ko. masmadaling ituro ang kwintas. siguro sabi ni direk, wag na akong maging bulol at wag ikahiya ang totoo kong pangalan.
so ayon ang araw ko. sabi nga ni direk, wala lang yon. ok lang yon. tinetest niya lang talaga siguro kung totoo ang mga pinagsasasabi ko sa mga blog ko, at eto na direk, pinatutunayan ko na. ok lang talaga. 
so sa iyo, sa mamang inakala kong natatae pero kinuha ang kwintas ko, sana ay gamitin mo sa tama ang perang makukuha mo dito. o siguro nakita mo na bob talaga ang nakasulat sa kwintas ko at pangarap mong magka kwintas na bob. o baka bob din ang pangalan ng girlfriend mo at ang pangarap niya ay magkaroon ng kwintas na ganon. 
pero ang pinakapaborito ko paring kwento pag maynananakawan ay sasabihin ko din sa iyo. sana ay talagang kailangan mo ng pera. nung huli kong naisangla ang kwintas na yan, umabot din ng 4500 yon. mabigat kasi. sana hindi ka baratin ng sanglaan mo dahil kawawa ka naman kung nagkataon. sana ay malubha ang sakit ng anak mo, at malapit na ang kaarawan niya. gusto niya lang ng pulang bestida at bagong pulang sapatos, yung uso ngayon na makintab kintab pa. at sa kaarawan niya ay maraming pulang lobo na nakatali sa ratan na upuan, at may handa siyang mga hotdog na may marshmallow na puti sa dulo na nakatuhog sa repolyong nakabalot sa foil.gusto niya rin ng spaghetting matamis at may hotdog (pinoy style talaga), siguro dalawang putahe – menudo at fried chicken at kailangan may coke  din para sa mga bisita. sana ay iyon lang ang pangarap niya at makatulong akong matupad ito para sa kanya. para kahit sa sandaling iyon, mabuhay ang pag-asang matagal pa ang kanyang buhay – malay mo, eto lang pala ang gamot na kailangan niya. sana talaga makatulong ako sa iyo.
at shempre, kailangan din may fancy bread. 

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

2 thoughts on “fancy bread”

  1. don’t worry kakarmahin din ang gumawa sayo non… basta hindi ka lang nasaktan… dapat kasi hindi ka nagcocommute magisa…

  2. dagdagan mo pa ng samalamig at gulaman na may gatas atsaka leche flan. nakakatulong ka bob, huwag ka magalala.
    besides when God closes a door he opens a window! malay mo mas maganda ang kapalit.
    yiheeee ngingiti na yan!
    girl tagal na natin hindi naguusap, tong blog mo umaaliw sa akin. ano na kwento mo at ng macho papa mo? saw your new hk pics. mayabang ka na talaga ngayon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s