Cebu Pac DAT SHIYET.

sa totoo lang e dapat patulog nako ngayon, pero may nag YM sa akin na friend na asa Bangkok. nagpapatulong kasi gustong isusog ang flight niya. may kagalingan din naman tong taong ito dahil ang lipat niya ay 1:00AM Bangkok time and 11:00 na. and now niya gustong ipa-rebook ang kanyang flight. sabi niya kung pwede ba daw ako tumawag sa hotline ng Cebu Pac para tanungin magkano ang charges niya if ever di siya sumulpot sa flight niya, magkano pa-rebook or pa-refund ng ticket. so siyempre, tawag naman ako.

ok lang naman kasi nanunuod pa ako ng Sopranos ko and balak ko talagang matulog by 12:00 (hello, Cinderella) dahil ilang araw narin masama ang pakiramdam ko and mejo haggard lang today with the successful CMA and Photo Exhibit in school. pero kamusta naman ang hold time ko diba.

malas lang talaga ng Cebu Pac at nagcall center ako. at di lang ako call center agent. isa akong MAABILIDAD na call center agent. lahat ng daya e nalaman ko na ata para makakuha ng panandaliang idlip habang nagtratrabaho.

SO ALAM KO PAG NATATANGGAL NA FROM HOLD SABAY IBABABA ANG CALL.

for short, 3 beses ko narinig yon. and mind you, ok lang sana kung nagloop lang yung recording nila eh. e talagang binababa ung phone.

o sige, ok lang. tutal, nanunuod nga ako ng series diba. iniisip ko din, ok lang yon, ayaw sakin nung CCR, malamang ang makakasagot mejo gising pa.

e mali parin.

gusto ko sanang isulat verbatim ang mga pangyayari, pero mashadong mainit ang ulo ko at barado ang ilong ko. nagsisimula naring kumati ang lalamunan ko at alam kong nagbabadya na ang ubo at lagnat ko. to cut the story short, she started with her opening spiel, something like, “thank you for calling Cebu Pacific, how can i help you?”
tapos nagsalita nako, and ang bait ko pa, nag-good morning pako. “I’d just like to ask what will be the charges if i won’t be able to make my flight?”

ang sagot sa akin ay, “hello?”

aba, nagbibingi bingihan. with the matching adjusting of the headset. sabi ko, hello, naririnig mo ba ko?” AT SUMAGOT SIYA NG, “mam, i’m sorry, hindi ko po kayo marinig…”

ANAK NG @#$(*@#%#RSIFNI#)@#%@(#%*@@&)!@$!@)$.

eto ung isa sa mga sandali sa buhay ko na hindi ko alam kung tatawa ako o iiyak. halos kahanay na siya ng mga taong winasak ang puso ko. (uyy.. umi-issue.)

tapos tumahimik siya. pero naririnig ko siyang humiginga sa headset niya. alam mo ok lang sana kung natulugan niya ko eh. di iinit ang ulo ko. e L!nT3K lang talaga na pinagmumukha pa akong tanga.

at nagmakaawa pa ako. sabi ko ok lang yon, kung inaantok siya, may itatanong lang naman ako sandali eh. tapos tuwing magsasalita ako, NAHIHINTAY NIYA TALAGA AKONG MATAPOS SABAY SASABIHIN NIYA, hello?

DIBA?!? nakakagago lang talaga eh. tapos natatawa pa yung boses niya.

“ah, natatawa ka pala ha. sige. alam kong you cannot drop the call. at alam ko nirerecord tong calls niyo. sana talaga may QA kayo today o di kaya ipagpatuloy mo nalang, nag masira ang Call Handling Time mo. hindi ko ibababa ang telepono.”

di ko talaga binaba chong. pinanindigan ko talaga. ayun, paminsan minsan, maghello siya, tapos sasabihin ko na nanririnig ko siya, tapos sasabihin niya na she cannot handle the call because she can’t hear me.

DUN TALAGA PUMUPUTOK YUNG UGAT KO EH. and nung mejo tumaas na ang boses ko, napatigil talaga sha sa kakahello niya. sabi ko tuloy, “sige nga! kung hindi mo ko naririnig, bakit ka tumigil?”

SAKIT SA BANGS. SUPER.

well, in the end, after siguro 20 minutes, binaba niya na yung phone. narinig kong tinanggal niya ang headset niya. siguro break niya na or something. or whatever.

STRIKE 2 na sakin ang Cebu Pac. STRIKE 1 nung madelay ang flight ni Manny Boy pabalik ng HK. at dahil don sa pagkakadelay na yon, di siya umabot sa flight niya. at dahil di siya umabot, nagkawarning siya. at dahil nagkawarning siya, mas lalong mahirap na magkita kami.

pero ok na ko. dahil masakit mang aminin o hindi, kailangan ko ang Cebu Pac dahil mura ang tickets nila.

PERO DI DAPAT GAWING DAHILAN ANG MABABANG SAHOD PARA HINDI GAWING MABUTI ANG TRABAHO. ANG DAMING WALANG TRABAHO. DAPAT MAGPASALAMAT KAYO AT MAY TRABAHO KAYO.

o sige. ok na ko. for now. kelangan ko na matulog.

Advertisements

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s