maligayang kaarawan, inay.

para sa babaeng pinagmanahan ko ng hindi pagtulog sa tamang oras (kakahantay sa amin)
para sa babaeng pinagmanahan ko ng kadaldalan (kamusta naman ang maglecture ng 4 hours straight)
para sa babaeng pinagmanahan ko ng pag-iyak sa lungkot at ligaya
para sa babaeng kahit may sakit na sa puso ay mas matatag pa sa kalabaw
para sa babaeng malupet gumamet ng poker face pero hindi naman nagpopoker
para sa aking pinakahinahangaan at kinatatakutan
para sa iyo, inay.
ang sabi nila, ang mga anak lamang ang natatanging, kaisa-isang tunay na tagumpay ng mga magulang, pangarap ko na lamang na ako ay naging isang masigabong tagumpay para sa iyo.
wala nakong mahihiling pa ngayong kaarawan mo. sa tingin ko ay naibigay na sa iyo lahat ng kailangan at kagustuhan mo. siguro, ang kalusugan mo nalang (tigilan na ang pagkain sa taba, utang na loob) para mas matagal mo pa kaming mabantayan at mapagtawanan ang mga pagdadaanan namin sa aming buhay.
ipinagmamalaki ko na ikaw ang naging nanay ko. wala na sigurong mas gagaling pa sa pasensha mo. ako ba naman ang maging anak mo.you deserve a famas-urian-oscar-tony-emmy award.
di man mapantayan ng salita ay susubukan ko sa aking makakaya sa gawa para maramdaman mong mahalaga ka sa buhay ko.nawa’y sa bawat mahigpit na yakap ko sa iyo, sa bawat pagsiksik ko sa kilikili mo, sa bawat pagupo ko sa kandungan mo, at sa paghingi ng tapik bago matulog sa gabi ay maramdaman mo ang pagmamahal ko.di kayang pantayan ng salita ng pagmamahal ko sayo, at dahil ito lang ang pinakamalapit na makapagsasabi ng nararamdaman ko, hayaan mong sabihin ko ito:mama, mahal na mahal kita.maligayang kaarawan.
 

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s