Maligayang Kaarawan, Direk!

ngayong kaarawan mo, nais kong malaman mo kung gaano ka ka-importante sa buhay ko.

bago ko pa man makilala ang aking sarili, naiguhit mo na ang pangalan ko sa iyong palad. kung tutuusin, aabutin ako ng buong buhay ko para makilala ko ang aking sarili, pero dahil mahal mo ako, matiyaga mong hinihintay ang pagbangon ko sa bawat pagkadapa na nagagawa ko sa buhay ko. at ang mas nakakataba ng puso ko ay kahit ano pa ang mangyari, alam kong mahal na mahal mo ako.

hindi mahirap na makalimutan na nadito ka lang sa aking tabi. sa totoo lang, napakadaming bagay sa aking buhay na walang kahulugan ngunit nabibigyan ko nang importansiya sa pag-aakalang ito ang magsasalba sa akin – o di kaya, ito ang aking kaligtasan. minsan ko na ding naisip na hindi ka importante sa buhay ko, o mas malala pa dito – hindi ako importante sa iyo, pero ano pa at walang hanggan at walang katapusang pagmamahal at pag-iintindi ang inginanti mo sa akin.

madalas ang pasko ang simbolo ng mga regalong inaasam naming matanggap. madalas ay pinagiipunan namin ang mga materyal na bagay, o pinagdadasal namin sa iyo na sana ay may magbigay ng mga ito sa kaarawan mo. pero yun na nga e. kaarawan mo. mahigit kumulang tatlong daan anim na pu’t limang araw sa isang taon ay ikaw ang nagbibigay sa amin ng regalo. hayaan mo na sa isang araw na ito, ako naman ang mag-alay sa iyo.

alam kong hinding hindi ko matutumbasan ang mga regalo mo sa akin, kahit na sampung milyong beses akong magpasirko sirko sa ibabaw ng nagaapoy na alambre habang may nagbabadyang bubog sa ilalim nito ay wala pa ito sa kagalingan mo, ngunit hayaan mong buong puso kong ialay ang di-karapatdapat kong pagkatao para maging instrumento ng karangalan at pagmamahal mo. madalas akong matutumba, direk, pero alam mong taimtim at dalisay ang aking pangakong ito. sa madaling salita, hayaan mong matumba ako, babangon at babangon ako para sa kapurihan mo.

salamat at naipahayag mo sa akin ang pagkabuo mo. marahil ay hindi magiging kumpleto ang pagkatao ko kung hindi dahil sa iyo. salamat sa laging pagsikat ng araw sa mga sandaling akala ko’y pinagtakluban na ako ng dilim, at salamat sa napakagandang buwan na nagpapaalala sa aking panahon na para magpahinga. salamat sa mga taong pinalibot mo sa akin na tinutulungan akong makilala ka at ang sarili ko. salamat sa mga taong ibinigay mo sa akin sa mundong ito. alam kong malayo layo pa ang tatahakin ko at madami dami pang araw na ako’y magsisilbing libangan sa iyo. salamat sa iyong walang sawang pagiintindi sa akin at sa mga minamahal ko. salamat sa parating pag gabay sa mga sandaling wari ko’y hindi ko na makita ang tinatahak ko. salamat at minahal at patuloy ang ganap na pagmamamahal mo.

kaya hayaan mong lubos ang papuri ko sayo ngayon kaarawan mo. wala na akong mahihiling pang iba. ganon talaga. malakas ka sa akin, Direk.

maligayang kaarawan!!

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s