dahil nga meron ako

so gusto kong mag-amok.
wala naman akong problema, meron lang talagang mga araw na napakamalas nalang ng unang taong makakasalubong ko.
ang dami daming nangyari ng nakalipas na buwan, sa sobrang bilis ng pagdaan nito, hindi na kinaya ng powers kong ilathala ang mga bagay na ito.
sabi ko sa isa kong kaibigan nung kelan lang,bago itong buwan na ito, halos dinadaanan lang ako ng mga araw, hindi ko na alam ang pagkakaiba ng linggo sa lunes (siguro dahil narin wala akong pasok tuwing martes at miyerkules, at dahil lahat ng pasok ko ay sa umaga lang and naka-“auto mode” lang ako hanggang 11AM), hanggang sa biglang alam ko na kung anong petsa na, at ilang araw pa ang bibilangin ko sa muling pagbalik
ni shaider.
wala naman talaga akong problema sa pagdaan ng mga araw, kagaya ng sinabi ko sa pamagat ng isinulat kong ito, dahil lang meron ako kaya nasasabaw ang utak ko. namimiss ko narin naman magsulat.
nung kelan, nag-attend ako ng teaching ko para sa BLD. napakadami kong natutunan nung araw na yon. at dahil gumana ang utak ko, marami ding nanganak na mga tanong. sa totoo lang, nakakamiss pumunta ng mga meeting, pero may mga bagay na dapat kong unahin at bigyan ng importansiya. iniisip ko na nga tuloy paminsan, kung nakanino ba talaga ang loyalty ko, sa community ko ba o kay Direk? balang araw, siguro, makukuha ko na ang tamang balanse ng mga bagay bagay sa buhay ko, pero habang kailangan ako ng pamilya ko, siguro, nararapat naman na unahin ko sila ngayon. for a change ba, pakinggan ko ang nanay ko, siguro nga tama ung kasabihan na “mother knows best”. kung hindi gumana at matigas parin ang ulo ko, malamang, babalik nalang ako sa pagiging pasaway ko. bahala na si batman. sa tingin ko din, kulang ang buong buhay mo para makilala ang isang tao, at tama sila. ang kilig, panandalian lamang yan. kaya nakakatakot ibigay ang lahat lahat sa isang taong kasing kulang mo. dahil parepareho tayong kulang, kailangan natin si Direk para mabuo tayo. hindi pwedeng aasa ka sa tao lang din. nakakatakot, pero masarap ding isipin kung magkulang man ang iba sa iyo, si Direk naman, parating kasama natin, so san ka talaga matatakot?
ako? siguro sa sarili ko. dahil may nagsasabi sa akin ngayon na tama ang mga ginagawa ko, at oo, medyo natatakot akong kahit tama ang ginagawa ko ay madapa parin ako. at dahil nga meron ako, madrama ako ngayon.
nung isang linggo naman, umakyat ako ng Gapan sa gitna ng linggo. feeling ko tuloy, pagbaba ko, linggo dahil nasa NLEX ako. parang hindi ko naramdamang may pasok ng susunod na araw.
pero may natutunan naman ako sa pag-akyat ko sa Gapan:
mahirap magbudget ng walang pera. mahirap din gumawa ng stage kung may stage na.
sa madaling salita, kung meron, meron. kung wala, wala. walang pakielmanan ng trip.
di nakakalipas ang ilang mga araw, ako ay muling nanilbihan para kay Direk para sa isa nanamang DWTL weekend. kagaya ng dati, parati naman kaming sabog buong weekend. walang tulog, pero sagana sa kain. ang pinakagusto kong parte ng mga araw na yon? katabi kong matulog si Direk. ayos diba?
2 lang ang naging candidates ng weekend na yon. hassle kung iisipin mo, lalo na’t mga 20 kaming mga staffers na nagsisilbi sa kanila. pero magaling talaga si Direk. akalain mo, buhos ang buong powers sa kanilang 2. sabi nga ni Taguro, ilalabas niya na ang 200 porshento niyang lakas. hebigat men.
hindi nakalipas ang ilaw araw sa kama ko ay pumunta naman akong Subic para sa Ad Cong. masaya ang Ad Cong, para akong batang matakaw na dinala sa candy store, shopaholic na dinala sa 80% off sale sa buong MOA, adik na dinala sa chemical lab…. nagets niyo na diba?
ipapangako ko sa sarili ko, 2 taon mula ngayon, babalik ako ng Ad Cong, para makinig at tulugan ang mga seminars (siyempre kailangan kong matulog sa mga seminars, kasama yon sa thrill). eto siguradong parte ng buhay ko, na alam kong ang trabaho ko ay dapat pinapalibutan ako ng tao. hindi ko talaga kaya ng desk job direk. it’s so not me.
kung bakit kung ano ano ang sinasabi ko sa entrying ito ay marahil makikita niyo nalang sa susunod ko pang mga isusulat, pero sa ngayon, pagpasensiyahan niyo na ang magulong maikling pamatay oras na entry na ito.
dahil nga meron ako.

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s