latak.

mood: blank

siguro nga’y nauna na siyang
bingwitin ang puso mo
na kahit bingwitin ko na ang mga tala
bale wala na
bale wala na.

pag tinititigan ka’y alam ko
na hindi parin sapat
kahit ibigay na ang lahat
bale wala na
bale wala na.

di maintindihan kung itutuloy pa
minsan
para saan pa
di na makukuhang mabuo
latak nalang ang natira

nakakapagod.
nakakakaba dahil
naibigay na ang lahat ng kaya

sa akin ay di na kailangan ng iba
ngunit may magagawa pa ba?

isang anino ng nakaraan
na hanggang ngayon ay bumabalot sa iyong isipan
sa iyong pagkatao
sa iyong kalahatan

pero pag tinitigan kita
nawawala lahat
at naiiyak nalang ako
nalulusaw lahat ng kaba at pagugunita
nababale wala
nababale wala na.

Author: angparaluman

a poster girl with no poster staying on the safe side of the road less traveled.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s